Sunday, October 5, 2008

True Love Waits

Lahat ay umiibig dahil ang Diyos mismo ay Pag-ibig.
Ang tanong tama ba ang paraan ng pag - ibig natin. Na kahit tayo
ay nakakasakit sa paraang tayo'y kabet ay pag - ibig nang masasabi.
Kung tayo ay iibig sana gawin nating basihan ang "Bible" kasi yun
ay mula sa author ng "Pag - ibig".
Ang tunay na pag - ibig ay makapaghihintay at kaloob lang ng Diyos.
Ito ay may prinsepyo kasi kung wala pwede ang mga bagay na mahalay
tulad ng pagiging kabet, pagsasama na di kasal at related na iba pa.
Sa malalim na pananaw hindi purge nagmamahal ka ay nasa ayos na.
Mahal tayo ng Diyos ngunit hindi yun way para masabing
ligtas na tayo sa galit Niya. Kailangan nating mahalin Siya sa paraan ng pagtanggap
sa Kanya. Meaning sometimes kala natin "love" yun pala crush o infatuation lang.
Love is consider Love if the principle of it is right rather it is just something
na naisip lang o nadama at naging emotional ka.

Sunday, September 28, 2008

"Pagharap sa Higante"

Ang buhay ng tao ay puno ng pakikibaka at pakikipaglaban. Puno ng sakit at kaguluhan na nagiging dahilan ng problema at kapighatian. Ngunit tingnan mo ang dagat pagkatapos ng unos mas malinaw kaysa dati di ba. Ang aso pagnasusugatan di ba lalong tumatapang. Ang tao lalong nagpapatuloy di ba. Dapat wag nating tingnan ang laki ng problema bagkus ang laki ng Diyos. Mas malaki Siya sa problema. Tandaan natin kahit na kahigante ang problema ang Diyos ay mas malaki pa rin at mas dakila dito.

Walang Wala'y Meron

"Walang Wala'y Meron iyan ang motto ng aking ama". Malimit niya iyang sinasabi lalo na kung kinakapos kaming pamilya sa mga bagay na materyal. Nung una napapaisip ako dahil magkakakontra ang nasabing motto. Subalit ang sekreto pala doon ay yung meron pa rin kahit wala na. Ibigsabihin pala ang meron na yun ay ang Diyos na hinihingan niya kaya meron pa rin kahit wala na.

Pubre na Milyonaryo

Ako ay isang boy sa isang tindahan sa Batangas. Masasabi kong mahirap ang buhay ko kasi kailangan kong sumunod sa aking amo at magtrabaho. Kung sa babae ay katulong, sa lalaki naman ay "BOY" . Hindi naging madali ang pamamalagi ko rito subalit salamat sa Diyos sapagkat alam kong di ko pasan ang daigdig sa halip ito ang may pasan sa akin. Sa kasalukuyan ay ako ay pumapasok sa publikong eskwelahan na libre pang kolehiyo. Mapalad ako dahil Diyos ang nagproprovide ng aking pangangailangan. Salat man sa mga bagay materyal ay mayaman pa rin dahil Diyos ang nagpapala sa akin.

Monday, September 22, 2008

GAANO KALUSOG ANG IYONG PUSO?

Hinayaan ka na ba ng isang duktor na pakinggan sa "stethoscope" ang sariling tibok ng iyong puso? Kakaibang karanasan ang marinig ang regular na pagpintig ng puso mo na nagtatrabaho na bago ka pa isinilang at pipintig pa hanggang ikaw ay mamatay.

Ang puso nating ang pinaka-ubod ng ating katauhan ang sentrong sumasakop sa ating pinipiling desisyon.

May kasiyahan bang inanyayahan mo nang pumasok sa iyong puso si Jesus para maging sarili mong Tagapagligtas na magpapatawad sa iyong kasalanan at maglilinis sa puso mo? . Napapasok mo na ba Siya sa iyong buhay upang maghari bilang Panginoon na papatnubay sa mga desisyon mo at gawa?
Tumutuktok Siya, naghihintay papasukin.

SI JESUS ANG SUSI

Ano ang kaligtasan?.....
Ang kaligtasan ay pagsaklolo at pagpapalaya ng Dios sa tao mula sa kaparusahan, karumihan at kapangyarihan ng kasalanan. Higit ang walang-hanggang kahalagahan nito kaysa kaligtasan sa apoy. sa kahihiyan, sa lipunan, pagkakasakit, kahirapan at kalumbayan.

Ano ang kasalanan?.....
Ang kasalanan ay anumang iniisip, o sinasalita, o ginagawa na lumalabag o hindi umaabot sa lubos na pag-ayon sa banal na kautusan ng Dios (Roma 3:23).

Anong ginawa ng Dios tungkol sa kasalanan?.....
Nagkatawang-tao Siya at naging kasapi ng sangkatauhan ni Jesu-Cristo, nabuhay nang walang kasalanan upang matupad ang pamantayan ng Dios, namatay sa krus upang pasanin ang dapat sa ating kaparusahan sa ating kasalanan at muling nabuhay upang wasakin ang kapangyarihan ng kamatayan at talunin si Satanas. Sabi ng Biblia: "Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin. Noong tayo'y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin." (Roma 5:8).

Para kanino namatay si Cristo?.....
Namatay si Cristo para sa mga taong walang maiaalay sa Kanya kundi wasak na buhay at kadahupan. Namatay Siya para sa mga taong nahulog sa sala at hindi nakaabot sa orihinal na layon na makilala Siya, luwalhatiin Siya at tamasahin Siya magpawalang hanggan (Juan 1:1-12; 3:16-19).

Papaano natin makakamtan ang kaligtasan?.....
Ibinigay ang kaligtasan nang walang bayad sa sinumang manampalataya kay Jesus. Ang masigasig na paggawa ng mabuti at ang matapat na pagdadaos ng relihiyosong ritwal ay walang lugar sa pagtatamo ng kaligtasan. Hindi matatagpuan ang kaligtasan sa sariling pagsisikap kundi sa pagtitiwala sa kung anong ginawa ng Dios para sa atin. Ang tangi Niyang hinihiling ay personal na ilagay ang sariling tiwala kay Cristo. Lahat ng matapat na nagnanais maligtas at tanggapin ang anyaya na manampalataya kay Cristo ay hinding-hindi itataboy. Sinabi ni Jesus: "Sinumang sumampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan" (Juan 6:47).

Sunday, September 21, 2008

HINDI TAYO NAG-IISA

Kung damdam mong ika'y nag-iisa. At nawawala pakikisama sa iba, alamin mong laging may sariling tauhan ang Dios na tapat ang tiwala't pananalig ay lubos.
Kung lumakad kang kasama ang Dios, hindi ka makikisabay sa kalakaran ng sanlibutan.