Ano ang kaligtasan?.....
Ang kaligtasan ay pagsaklolo at pagpapalaya ng Dios sa tao mula sa kaparusahan, karumihan at kapangyarihan ng kasalanan. Higit ang walang-hanggang kahalagahan nito kaysa kaligtasan sa apoy. sa kahihiyan, sa lipunan, pagkakasakit, kahirapan at kalumbayan.
Ano ang kasalanan?.....
Ang kasalanan ay anumang iniisip, o sinasalita, o ginagawa na lumalabag o hindi umaabot sa lubos na pag-ayon sa banal na kautusan ng Dios (Roma 3:23).
Anong ginawa ng Dios tungkol sa kasalanan?.....
Nagkatawang-tao Siya at naging kasapi ng sangkatauhan ni Jesu-Cristo, nabuhay nang walang kasalanan upang matupad ang pamantayan ng Dios, namatay sa krus upang pasanin ang dapat sa ating kaparusahan sa ating kasalanan at muling nabuhay upang wasakin ang kapangyarihan ng kamatayan at talunin si Satanas. Sabi ng Biblia: "Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin. Noong tayo'y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin." (Roma 5:8).
Para kanino namatay si Cristo?.....
Namatay si Cristo para sa mga taong walang maiaalay sa Kanya kundi wasak na buhay at kadahupan. Namatay Siya para sa mga taong nahulog sa sala at hindi nakaabot sa orihinal na layon na makilala Siya, luwalhatiin Siya at tamasahin Siya magpawalang hanggan (Juan 1:1-12; 3:16-19).
Papaano natin makakamtan ang kaligtasan?.....
Ibinigay ang kaligtasan nang walang bayad sa sinumang manampalataya kay Jesus. Ang masigasig na paggawa ng mabuti at ang matapat na pagdadaos ng relihiyosong ritwal ay walang lugar sa pagtatamo ng kaligtasan. Hindi matatagpuan ang kaligtasan sa sariling pagsisikap kundi sa pagtitiwala sa kung anong ginawa ng Dios para sa atin. Ang tangi Niyang hinihiling ay personal na ilagay ang sariling tiwala kay Cristo. Lahat ng matapat na nagnanais maligtas at tanggapin ang anyaya na manampalataya kay Cristo ay hinding-hindi itataboy. Sinabi ni Jesus: "Sinumang sumampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan" (Juan 6:47).
Monday, September 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment