Sunday, September 28, 2008

"Pagharap sa Higante"

Ang buhay ng tao ay puno ng pakikibaka at pakikipaglaban. Puno ng sakit at kaguluhan na nagiging dahilan ng problema at kapighatian. Ngunit tingnan mo ang dagat pagkatapos ng unos mas malinaw kaysa dati di ba. Ang aso pagnasusugatan di ba lalong tumatapang. Ang tao lalong nagpapatuloy di ba. Dapat wag nating tingnan ang laki ng problema bagkus ang laki ng Diyos. Mas malaki Siya sa problema. Tandaan natin kahit na kahigante ang problema ang Diyos ay mas malaki pa rin at mas dakila dito.

Walang Wala'y Meron

"Walang Wala'y Meron iyan ang motto ng aking ama". Malimit niya iyang sinasabi lalo na kung kinakapos kaming pamilya sa mga bagay na materyal. Nung una napapaisip ako dahil magkakakontra ang nasabing motto. Subalit ang sekreto pala doon ay yung meron pa rin kahit wala na. Ibigsabihin pala ang meron na yun ay ang Diyos na hinihingan niya kaya meron pa rin kahit wala na.

Pubre na Milyonaryo

Ako ay isang boy sa isang tindahan sa Batangas. Masasabi kong mahirap ang buhay ko kasi kailangan kong sumunod sa aking amo at magtrabaho. Kung sa babae ay katulong, sa lalaki naman ay "BOY" . Hindi naging madali ang pamamalagi ko rito subalit salamat sa Diyos sapagkat alam kong di ko pasan ang daigdig sa halip ito ang may pasan sa akin. Sa kasalukuyan ay ako ay pumapasok sa publikong eskwelahan na libre pang kolehiyo. Mapalad ako dahil Diyos ang nagproprovide ng aking pangangailangan. Salat man sa mga bagay materyal ay mayaman pa rin dahil Diyos ang nagpapala sa akin.

Monday, September 22, 2008

GAANO KALUSOG ANG IYONG PUSO?

Hinayaan ka na ba ng isang duktor na pakinggan sa "stethoscope" ang sariling tibok ng iyong puso? Kakaibang karanasan ang marinig ang regular na pagpintig ng puso mo na nagtatrabaho na bago ka pa isinilang at pipintig pa hanggang ikaw ay mamatay.

Ang puso nating ang pinaka-ubod ng ating katauhan ang sentrong sumasakop sa ating pinipiling desisyon.

May kasiyahan bang inanyayahan mo nang pumasok sa iyong puso si Jesus para maging sarili mong Tagapagligtas na magpapatawad sa iyong kasalanan at maglilinis sa puso mo? . Napapasok mo na ba Siya sa iyong buhay upang maghari bilang Panginoon na papatnubay sa mga desisyon mo at gawa?
Tumutuktok Siya, naghihintay papasukin.

SI JESUS ANG SUSI

Ano ang kaligtasan?.....
Ang kaligtasan ay pagsaklolo at pagpapalaya ng Dios sa tao mula sa kaparusahan, karumihan at kapangyarihan ng kasalanan. Higit ang walang-hanggang kahalagahan nito kaysa kaligtasan sa apoy. sa kahihiyan, sa lipunan, pagkakasakit, kahirapan at kalumbayan.

Ano ang kasalanan?.....
Ang kasalanan ay anumang iniisip, o sinasalita, o ginagawa na lumalabag o hindi umaabot sa lubos na pag-ayon sa banal na kautusan ng Dios (Roma 3:23).

Anong ginawa ng Dios tungkol sa kasalanan?.....
Nagkatawang-tao Siya at naging kasapi ng sangkatauhan ni Jesu-Cristo, nabuhay nang walang kasalanan upang matupad ang pamantayan ng Dios, namatay sa krus upang pasanin ang dapat sa ating kaparusahan sa ating kasalanan at muling nabuhay upang wasakin ang kapangyarihan ng kamatayan at talunin si Satanas. Sabi ng Biblia: "Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin. Noong tayo'y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin." (Roma 5:8).

Para kanino namatay si Cristo?.....
Namatay si Cristo para sa mga taong walang maiaalay sa Kanya kundi wasak na buhay at kadahupan. Namatay Siya para sa mga taong nahulog sa sala at hindi nakaabot sa orihinal na layon na makilala Siya, luwalhatiin Siya at tamasahin Siya magpawalang hanggan (Juan 1:1-12; 3:16-19).

Papaano natin makakamtan ang kaligtasan?.....
Ibinigay ang kaligtasan nang walang bayad sa sinumang manampalataya kay Jesus. Ang masigasig na paggawa ng mabuti at ang matapat na pagdadaos ng relihiyosong ritwal ay walang lugar sa pagtatamo ng kaligtasan. Hindi matatagpuan ang kaligtasan sa sariling pagsisikap kundi sa pagtitiwala sa kung anong ginawa ng Dios para sa atin. Ang tangi Niyang hinihiling ay personal na ilagay ang sariling tiwala kay Cristo. Lahat ng matapat na nagnanais maligtas at tanggapin ang anyaya na manampalataya kay Cristo ay hinding-hindi itataboy. Sinabi ni Jesus: "Sinumang sumampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan" (Juan 6:47).

Sunday, September 21, 2008

HINDI TAYO NAG-IISA

Kung damdam mong ika'y nag-iisa. At nawawala pakikisama sa iba, alamin mong laging may sariling tauhan ang Dios na tapat ang tiwala't pananalig ay lubos.
Kung lumakad kang kasama ang Dios, hindi ka makikisabay sa kalakaran ng sanlibutan.

MAY UTANG AKO

May isang nag-grocery na lumabis ang halaga ng nabili kaysa dalang pera (kulang siya ng 1000.00). At may di pangkaraniwang nangyari -- isang lalaki sa likod niya sa pila ay nakita siyang nagdudukot-dukot sa bulsa't bag, naghahanap ng pera. Sinenyasan ng lalaki ang kahera na siya na ang magbabayad ng kulang -- at ayaw magbigay ng ngalan ang lalaki.
Pagkaraan ng ilang araw, nalagay sa dyaryo na may isang taong nag-abuloy ng 1000.00 na tseke sa kawanggawang samahan na may sulat na nagsabi: "Ang tsekeng ito ay para sa lalaking tumulong sa akin nang ako'y magipit. Naisip ko na ibigay sa inyo bilang bahagi ng pasasalamat ko sa kanya."
Ang pangyayaring ito ay naglalarawan ng isang espiritwal na prinsipyo. Dapat may obligasyon tayong ipasa sa iba ang mga kabutihang natatanggap natin. Ganoon ang tugon ni Apostol Pablo sa kahabagan ng Dios. Oo nga't hinding-hindi niya mababayaran ang kaligtasang bigay ng Dios ngunit hindi nakapipigil ito sa kanya upang ipakita ang kanyang pasasalamat. Dahil sa kanyang tinanggap, ginawa niya ang pinaka-mataas na kawanggawa -- ang pagbabahagi ng mabuting balita sa iba.
Huwag nating isiping dahil di natin mababayaran ang ginawa ng Dios para maligtas tayo, wala tayong utang sa Kanya. Utang nga natin ang lahat sa Kanya. Ang pinakasimpleng magagawa natin ay ipakita ang ating pasasalamat sa pagsasabi sa iba tungkol sa Kanya.

Ano ang kaligtasan?

Ang kaligtasan ay pagsaklolo at pagpapalaya ng Dios sa tao mula sa kaparusahan, karumihan at kapangyarihan ng kasalanan. Higit ang walang-hanggang kahalagahan nito kaysa kaligtasan sa kahihiyan, sa lipunan, pagkakasakit, kahirapan at kalumbayan.

Tanungin mo ang sarili mo kong ligtas ka na. Jesus: "Sinumang sumampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan" (Juan 6:47

INIIBIG BA AKO NG DIYOS?

Di madaling maarok ang kalaliman ng pag-ibig ng Dios para sa atin. Dahil sa kapalaluan at pagkatakot, nabibigo tayong maunawaan kung gaano tayo hindi karapat-dapat ibigin nang walang anumang bayad sa parte natin. May mga panahong nilalabanan ko ang pagmamalaki, sa paniniwalang sa sarili kong pagsisikap nakamit ang pag-ibig na ito. Isang pagmamalaki ang isiping kaya ako iniibig ay dahil ako’y kaibig-ibig, kagalang-galang at nararapat.
Ngunit iniibig tayo ng Dios hindi dahil sa tayo’y karapatdapat ibigin. Iniibig tayo kahit di tayo karapatdapatNgunit iniibig tayo ng Dios hindi dahil sa tayo’y karapatdapat ibigin. Iniibig tayo kahit di tayo karapatdapat.

MGA BAGONG AWIT

Dapat ang isang Cristiano ay magpatuloy ding magkaroon ng bagong awit ng papuri sa mga bagong kahabagan ng Dios (tuwing umaga). Nakakalungkot na marami sa atin ay paulit-ulit lang ang papuring lumalabas sa labi. Oo nga’t dapat nating ulit-uliting pagtibayin ang pundasyong kinasasaligan ng ating pananampalataya. Ngunit gaya ng sinabi ng salmista, ang mga ginawang Dios na pagsaklolo at pagliligtas sa atin sa iba-ibang gipit na sitwasyon ay napakarami – di kayang bilang-bilangin. Ito ay nagbibigay ng mga dahilan sa atin upang Siya’y purihin sa iba-ibang paraan (Awit 40:5).
ANG MAKITA ANG GAWA NG DIOS SA ATING BUHAY AY NAGLALAGAY NG BAGONG AWIT SA ATING MGA LABI.

Isang Dakot

Lupang masasabi't putik ang kagaya "KO". Salamat sa Kanya na umabot at kumuha. Ako nga ay "isang dakot" ng kanyang himala na kanyang patuloy na iniingatan sa Kanyang kamay na may init na taglay. Malimit ang puso ko ay nakatago na para bang laging may sakit na nakapako. Ngunit nang Siya'y nakilala sa buhay ko ay biglang nagkaroon ng pagbabago.
Ang pagpapahalaga ng Diyos ay gayon na lamang na kahit ako ay maliit at aba lamang Siya'y naroon na may pagmamahal.

Tupang-Ligaw

Ang buhay ko'y parang isang masalimuot na daan at minsay hampas ng alon napumapadpad kabikabila. Magulo ang isip na parang walang mapupuntahan. Nasabi ko na lang nga sa sarili ko na para akong tupang-ligaw dahil kahit saan ako tumungo di ko makita ang daan patungo sa lugar na nasa ng puso. Sa buhay na ito na puno ng mga bagay na magulo at kumplikado. Makita ko pa kaya ang daan kung habang pag usad ko ay paglayo sa tunay na daan.
Salamat sa kanya na tunay na biyaya kaya ako'y naligtas sa pagkawala. Hinanap ako at iniwan ang
iba upang ipakita ang pag ibig nya. Salamat sa Bugtong na Anak. Ang Panginoong Jesus na aking pastol.

Wednesday, September 17, 2008