May isang nag-grocery na lumabis ang halaga ng nabili kaysa dalang pera (kulang siya ng 1000.00). At may di pangkaraniwang nangyari -- isang lalaki sa likod niya sa pila ay nakita siyang nagdudukot-dukot sa bulsa't bag, naghahanap ng pera. Sinenyasan ng lalaki ang kahera na siya na ang magbabayad ng kulang -- at ayaw magbigay ng ngalan ang lalaki.
Pagkaraan ng ilang araw, nalagay sa dyaryo na may isang taong nag-abuloy ng 1000.00 na tseke sa kawanggawang samahan na may sulat na nagsabi: "Ang tsekeng ito ay para sa lalaking tumulong sa akin nang ako'y magipit. Naisip ko na ibigay sa inyo bilang bahagi ng pasasalamat ko sa kanya."
Ang pangyayaring ito ay naglalarawan ng isang espiritwal na prinsipyo. Dapat may obligasyon tayong ipasa sa iba ang mga kabutihang natatanggap natin. Ganoon ang tugon ni Apostol Pablo sa kahabagan ng Dios. Oo nga't hinding-hindi niya mababayaran ang kaligtasang bigay ng Dios ngunit hindi nakapipigil ito sa kanya upang ipakita ang kanyang pasasalamat. Dahil sa kanyang tinanggap, ginawa niya ang pinaka-mataas na kawanggawa -- ang pagbabahagi ng mabuting balita sa iba.
Huwag nating isiping dahil di natin mababayaran ang ginawa ng Dios para maligtas tayo, wala tayong utang sa Kanya. Utang nga natin ang lahat sa Kanya. Ang pinakasimpleng magagawa natin ay ipakita ang ating pasasalamat sa pagsasabi sa iba tungkol sa Kanya.
Sunday, September 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment